“Quantcast”/
Ready for the Next Round: College Applications | Edukasyon.ph
Edukasyon at Home

Ready for the Next Round: College Applications

We’re barely into the second quarter of 2020 and so far, it’s been hard trying to roll with the punches life throws our way. It feels almost like we’re in a video game right. May global crisis at nakamamatay na virus habang naghahanap tayo ng mga bayani kaliwa’t kanan.

Now, if you’ve had the privilege of staying at home during this quarantine, you’ve probably taken on your fair share of side quests at this point—naglinis ng kwarto, sinubukang gumawa ng Dalgona coffee, maybe even got back into an old hobby. Pero bilang bida ng buhay mo, kailangan mo na ring pag-isipan kung ano ang susunod: college applications.

College probably isn’t top of mind right now, and that’s totally valid. It’s hard to be productive when you’re adjusting to a new way of life—with physical distancing and the general quarantine. You’ve had to unlearn some of the ways that you got things done, and adapt to life at home. But there’s no such thing as being too prepared.

Walang shortcut o cheats pagdating sa college applications, pero ‘di mo naman kailangan ‘yun kasi nandito kami, at kami ang secret weapon mo:

Not-so-secret feature 1: Search and destroy apply

First of all, determine what you want to study and where. Are you willing to relocate for your college degree? It’s no secret that there are hundreds of different courses in college, so paano ka makakapili kung hindi mo alam kung ano options mo? In light of the coronavirus pandemic, marami nang schools ang nag-eexplore ng distance learning options. Pero dati pa lang, may online course providers na sa Pilipinas!

You can find your options right here on our website. Ang maganda pa diyan, may assessment din kami para sa ‘yo. ‘Di mo na kailangang mangapa sa dilim! Engineering courses ba ‘ka mo? O baka naman nursing courses ang hanap mo? Arts? Communication? HRM Courses? Kahit ano pa ‘yan! Whether it’s a school or course here or abroad, we’ve got you covered.

Not-so-secret feature 2: Career lockpicking tool

Para sigurado, dapat alam mo rin kung anong trabaho gusto mong pasukin after college. Siguro medyo may idea ka na kung ano ‘yun dahil sa senior high school strand mo, pero marami kasing iba-ibang paraan para makapasok sa isang industriya.

There are some industries which have clear-cut paths like medicine, law, and IT because you need the technical skills to perform the most basic functions. Kasi hindi ka nga naman pwedeng maging med tech (medical technician) kung ‘di ka marunong gumamit ng equipment o mag-interpret ng data. Pero may mga industriya din tulad ng media, marketing, at hospitality na mas open-ended ang requirements. But don’t worry, we’re not going to leave you guessing. Find your path here!

Whether you’re in HUMSS (Humanities and Social Sciences), ABM (Accountancy, Business and Management), STEM (Science, Technology, Engineering, and Math), TVL (Technical-Vocational Livelihood), Sports, or Arts and Design, we can help you map out a clear path towards your future career.

Not-so-secret feature 3: Scholarship back up

Juskopo ang mahal mag-aral, buti na lang may mga scholarship! Bago mo sabihing wala ka namang chance makakuha ng scholarship, alamin mo muna kung ano-anong klaseng scholarships ang available para sa ‘yo. Maraming criteria para mag-qualify para sa isang scholarship, hindi lang grades!

Pinakasikat na siguro yung merit-based scholarships, kung saan kailangan maganda grades mo. Pero hindi naman lahat tayo row 1 students ‘di ba? Kaya may scholarships na needs-based, context-based, at ability-based. You can learn more about it here. May assessment quiz din kami para malaman mo kung anong scholarship dapat hinahanap mo.

Nagsisimula pa lang ang journey mo kapatid. Marami pang kailangang pagdaanan, pero ‘di mo naman kailangang harapin ang future mag-isa.

Register for Edukasyon.ph today, and we’ll share all the wisdom we can with you. Best part is, it’s all free!

 

Tags: