“Quantcast”/
Posible Bang Makahanap Ng Magandang Trabaho Bilang Isang High School Graduate?   | Edukasyon.ph
Job Hunting

Posible Bang Makahanap Ng Magandang Trabaho Bilang Isang High School Graduate?  

“Makakahanap kaya ako ng trabaho?” 

Siguro sumagi na ang tanong na ito sa isip mo bilang isang high school graduate na naghahanap ng trabaho sa Pilipinas. Ang problema, college graduate ang madalas na hinahanap ng mga kumpanya. Kaya mukhang limitado ang job opportunities para sa mga high school ang natapos. 

Pero may mga industriya ba kung saan welcome ang mga high school graduate? 

At may paraan ba para magkaroon ng skills at work experiencemaliban sa pagtatapos ng college? 

Sa parehong tanong, ang sagot ay oo. 

Maliban sa college, may ibang paraan para makahanap ng magandang trabaho na mataas ang sweldo. 

Hindi hadlang sa tagumpay ang pagiging high school graduate mo; pwede ito maging advantage, lalo na sa technical-vocational field. Maraming opportunity ang naghihintay sa ’yo sa tech-voc, at hindi ito limitado sa construction jobs. Pangarap mo ba magtrabaho sa air-conditioned na office? May mga tech-voc career gaya ng banking at finance na pwede mong pasukan!  

Bukod dito, marami pang ibang trabaho sa tech-voc na mataas ang sweldo. Sa katunayan, mas malaki ang kinikita ng tech-voc graduate na heavy equipment operator kaysa sa admin officer na nagtapos ng college. May mga success stories din ng mga tech-voc graduate gaya nina Chef KP Gabertan, head chef at founder ng sarili niyang culinary school, at Bernard Milla, isang event venue designer.  

Walang duda, maraming job opportunity ang abot-kamay para sa isang high school graduate. Kailangan mo lang alamin kung paano ito abutinsa pamamagitan ng skills training

Skills training: Ang tiket ng isang high school graduate para makahanap ng magandang trabaho

Ang skills training (na tinatawag ring upskilling) ay isang mabilis at praktikal na paraan para matutunanang skills na kailangan sa trabaho. Pwede kang maging job-ready sa maikling panahon lang! Siguradong tataas ang tsansa mong ma-hire ng mga kumpanya. 

Ang YouthWorks PH ay nagbibigay ng libreng skills training para sa kabataang Pilipino. Magkakaroon ng practical training ang matatanggap na aplikante sa mga aktwal na kumpanya, at guaranteed na trabaho sa mga tech-voc industry gaya ng: 

  • Hospitality and tourism
  • Manufacturing
  • Energy
  • Banking and finance
  • Agriculture, and 
  • Construction  

Kung ikaw ay 1) high school graduate, 2) 18-24 years old, at 3) hindi nag-aaral, nagta-trabaho, o nagte-training sa panahon ng application, pwede ka mag-apply sa YouthWorks PH

Ito ang dalawang klase ng job-ready skills na matututunan mo sa training program: 

 

  • Technical skills 

Tinatawag ding “hard skills” 

Ang hard skills ay mga kakayanang natuturo. Pwedeng matutunan ang hard skills sa classroom, sa pamamagitan ng mga libro o aktwal na work experience. Madaling masukat ang hard skills dahil nakikita ito sa iyong nagagawang trabaho. 

Halimbawa ng hard skills: 

    • English proficiency (kakayahan sa pagsulat, pagbasa, at pagsalita ng Ingles) 
    • Degree o certificate
    • Typing speed (bilis sa pag-type sa computer) 
    • Machine operation  
    • Welding  
    • Computer programming 

Bakit mahalaga ang skill na ito sa mga employer

Pabor ang mga kumpanya sa mga aplikante na may hands-on training at naaayon na skills para sa isang trabaho. Karaniwang requirement ang college degree sa mga job opening, pero mahalaga din sa mga employer ang aktwal na work experience at skills. At ang tech-voc ay isang magandang paraan para makakuha ng praktikal na experience na hinahanap ng recruiter. 

 

  • Life skills 

Tinatawag ding “soft skills” 

Ang soft skills ay mga personal qualities, ugali, at communication skills na kailangan mo para maging magaling sa trabaho. 

Kasama sa soft skills ang “people skills” (gaano ka kaayos makatrabaho), at essential skills (abilidad na kailangan mo para magawa ang iyong trabaho). 

Halimbawa ng soft skills: 

    • Diligence (kasipagan)  
    • Resilience (tatag ng loob) 
    • Resourcefulness (pagiging maparaan) 
    • Teamwork (pakikisama) 
    • Leadership 
    • Time management

Bakit mahalaga ang skill na ito sa mga employer

Bukod sa technical skills, importante rin sa mga employer ang empleyado na maayos ang ugali. Balewala ang pagiging magaling sa technical skills kung kulang ka sa tamang asal para magawa ang iyong trabaho. 

Gusto ng mga employer ang isang job candidate na marunong makisama sa kanyang mga katrabaho. Bukod dito, mas madaling turuan ang bagong empleyado ng hard skill (gaya ng kung paano gumamit ng computer program) kaysa sa soft skill (tulad ng pagiging maparaan).  

Makakahanap ka ng trabaho sa pamamagitan ng skills training

Maging college graduate o high school graduate man ang job applicant, hard skills at soft skills ang tinitingnan ng mga kumpanya. Bilang isang high school graduate, iba lang ang iyong career path at pamamaraan ng paghasa sa iyong skills kumpara sa isang college graduate. 

Alamin at mahalin ang sariling mong career path at tandaan na lahat ng anyo ng edukasyon at trabaho ay mahalaga. 

Gamitin mo ang sarili mong strengths. Dadami ang job opportunities mo, kasama ang high-paying jobs, sa pamamagitan ng skills training. Kapag binuksan mo ang sarili mo sa tech-voc field, maraming pinto ang magbubukas para sa iyo.  


Mag-apply na sa YouthWorks PH para matutunan ang mga practical skills at soft skills na kailangan mo para ma-hire ng kumpanya. Libreng training, allowance, at job opportunities ang naghihintay sa’yo!  

I-fill up ang registration form, at i-check kung anong mga course ang ino-offer malapit sa iyong area. 

Handa ka na bang makahanap ng trabaho? 

Mag-register na sa YouthWorks PH!  

 

 

Tags: